10 Batangueno Words
“Himutok”
Meaning: Maliit na galit o pagkairita.
Halimbawa:”nag himutok sya nang narinig ang balita”
“Babag”
Meaning: Ang pag-aaway o pagtatalo ng tao sa isang bagay, o maaring may iba pang dahilan.
Halimbawa: “Nag babag ang mag kapatid matapos mag-agawan sa laruan.”
”Asbar”
Meaning: Ito ay kumakahulugan sa pang pisikal na aksiyon gaya ng palo, hampas, o suntok.
Halimbawa: “Naasbaran ng Tatay ang kuya dahil sya ay napaaway sa loob ng eskwelahan.”
“Patikar”
Meaning: Ito ang aksiyon ng isang tao kapag nagmamadali.
Halimbawa: “Patikar na si Karylle papunta sa silid aralan, dahil siya ay naghahabol ng oras.”
“Awas”
Meaning: Ito ay tumutukoy sa isang bagay na maaring puno na at umaawas na
Halimbawa: “Nagtungtungga si Jane Rose at hindi niya namalayang awas na ang tubig.”
“Lugmok”
Meaning: Ito ay tumutukoy sa kilos ng tao na parang nanlalambot o parang nasa iisang tabi lamang nakalugmok o nakatigil.
Halimbawa: “Nakalugmok si Vea sa kanyang silid matapos malamang mababa ang nakuha niyang iskor sa kaniyang pag susulit.”
“Mayangor”
Meaning: Ito ang ugali at kilos ng isang tao na nagmamayabang o mataas ang tingin sa sarili.
Halimbawa: “Si Alexis ay nag mamayangor na siya ay magaling mag laro ng basketball.”
“Piho”
Meaning: Ito ang pagkasigurado o paninigurado ng isang tao sa isang bagay o sitwasyon.
Halimbawa: “Pihadong matutuwa ang Inay pag nalaman niyang parte na ako ng may mataas na karangalan sa eskwelahan.”
“Masimor”
Meaning: Ito ay tumutukoy sa pagiging matakaw ng isang tao.
Halimbawa: “Si Rie ay masimor sa pagkaing matatamis.”
“Gurang”
Meaning: Ito ay tumutukoy sa katandaan ng isang tao.
Halimbawa: “Si Anthony ay 20 taong gulang na at nasa Grade-11 pa lamang, gurang na siya dahil mas matanda na siya sa mga kaklase niya.
Leave a comment